ANG ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
CYRIL S. TALUSAN
Rang-ayan Elementary School
Science City of Munoz, Nueva Ecija
Ang Alternative Learning System (ALS) ay isa sa mga bureau ng Department of Education. Kung gaano kahalaga ang Elementary Education at Secondary Education, ganon din kahalaga ang ALS dahil ito ay nasa ilalim ng iisang departamento at sistema, ang DepEd.
Ang Basic Literacy Program (BLP) at Accreditation and Equivalency (Aand E) Program ay mga pangunahing programa ng ALS.
Nagbibigay ng opurtunidad ang BLP sa mga illiterates upang matutong magsulat, magkwenta at magbasa. Ang A and E Program naman ay alternatibong paraan upang muling magpatuloy sa pag-aaral ang mga Out-of-School Children, Youth at Adults.
Nagbubukas ng pintuan ang mga programang ito upang maging literates ang mga kapuspalad at maging kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga nangangailangan.
Walang pinipiling edad ang ALS, anuman ang katayuan sa buhay, mayaman man o dukha, anuman ang kasarian ay welcome na maging bahagi rito.
Maraming tanyag na tao ang naging produkto ng ALS. Si Manny Pacquiao ay tinaguriang ALS Ambassador matapos pumasa sa A and E Test.
Sina Kim Chui, Gerald Anderson at Jovit Baldovino ay ilan lamang sa mga hinahangaang personalidad na pumasa rin sa pagsusulit ng ALS.
Sa tulad ng mga Mobile Teachers, Facilitators, Instructional Managers at District ALS Coordinators, ang mga ALS learners ay binibigyan ng ilang buwang pag-aaral. Inihahanda sa pagkuha ng A and E Test ang bawat isa. Sila ay tinuturuan ayon sa kurikulum na binuo ng Bureau of Alternative Learning System (BALS). Ang mga leksyon ay base sa mga araling matatagpuan sa mga module.
Maaaring pumasok sa ang mga mag-aaral sa Community Learning Center(CLC) sa itinakdang lugar at napagkasunduang schedule ng pagpasok. Modular Approach naman ang offer sa mga learners na walang panahong pumasok sa mga CLC. Binibigyan sila ng module na pag-aaralan at magtatakda ng araw para sa face to face interaction kasama ang ALS Implementors na nadestino sa lugar.
Kung ang mga learners ay papasa sa A and E Test, maaari na silang magpatuloy sa susunod na antas ng pag-aaral. Maaari na silang mag enroll sa high school o kolehiyo gamit ang rating sa exam at diplomang pirmado ng DepEd Secretary.
Maraming buhay na ang nabago dahil sa ALS.Susunod ka na!!!
SA LIKOD NG BAWAT TAGUMPAY
CYRIL S. TALUSAN
Rang-ayan Elementary School
Science City of Munoz, Nueva Ecija
Schools Press Conference, Science Fair, Skills –Olympic, MTAP, Cultural Competition, Tagisan ng Talino, Sports Competition at iba pang paligsahan ang nilalahukan ng bawat paaralan.
Masasayang umuuwi ang mga nakipagtunggali dahil sa uwing karangalan.
“Talagang napakagaling ng batang iyan”.
“Napakatalino ng anak ko, mana sa akin”.
“Sadyang lahi kami ng magagaling at matatalino”.
Ilang lamang ito sa mga reaksiyong maririnig sa mga kakilala at mga magulang ng mga bata.
Sa mga pakikipagtunggali, hindi lahat ng tagumpay ay paghihirap ng isang tao lamang. Kaakibat din nito ang pawis at dugong pinuhunan ng mga tagapagsanay. Nagsasakrepisyo sila upang maibahagi ang mga sapat na kaalaman sa mga tinuturuan.
Sumagi na ba sa isip natin na pag-ukulan ng pansin ang mga taong nasa likd ng bawat tagumpay?
Naalala ba natin ang kanilang pagpupursigi upang maibigay lahat ang mga kaalaman at karunungang dapat ibahagi sa mga bata?
Naisip din ba natin ang ating mga School Heads na dahil sa masusi nilang pagsubaybay ay naisasakatuparan ang mga mithiin? Nadama rin ba natin ang mga tapik nila sa balikat ng mga gurong nakalilimot sa tungkulin kung minsan? Nakita na rin ba natin ang kakaibang paraan ng pagdidisiplina nila sa bawat isa na nagiging susi ng mga tagumpay?
Di ba, may kasabihan tayong “Ang ganda ng tugtog ng orchestra ay nasa kumukumpas.”
Maaaring maliligaw tayo ng landas kung walang sumusubaybay.
Hindi lamang diyan, ilan sa mga kompetisyon ay kailangan din ng puhunan. Kailangan ang kaukulang pondo. Marapat ding bigyang pansin ang mga tumutulong sa atin. Wala silang sawa sa pagsuporta sa ating paaralan.parating nasa likod at kaagapay ng mga mag-aaral at mga guro kung may suliranin.
Ang ating mga kaibigan na may pagpapahalaga sa edukasyon ay bukas-palad sa pagtulong.
Dahil dito, sa mga katuwang namin sa pagkamit ng tagumpay.... maraming maraming salamat po.
Wala po kaming ibang maisusukli sa mga ginintuan ninyong mga puso kundi ang uwing karangalan kung may mga paligsahan.
Wala po kaming ibang maipangangako at maibibigay na kabayaran kundi ang pagpapanatili ng ating Inang Paaralan sa tugatog ng tagumpay...Mabuhay po tayong lahat.