SUNDALO NG KARUNUNGAN
LARRY B. ESPIRITU, Ph.D.
Education Program Supervisor I- ALS
Division of Science City of Muñoz
SUNDALO! Ito ang tawag sa mga Alternative Learning System (ALS) Teachers. Ngunit sa halip na lumusob sa labanan o giyera ang mga sundalong ito, sila ay aatake sa teritoryong mga taong mangmang at mganilalalngnauhaw sa karunungan. Sila ang mga sundalong nakikidigma na ang tanging layunin ay alisin ang kamangmangan ng mga out-of-school children, youth at adults.
Dahil sila ay mga Sundalong Karunungan, pag-alis nila sa kanilang mga tahanan ay masasabi nating na sa hukay ang isa nilang paa. Nasa bingit kamatayan sa pagdaan sa kagubatan, pag-akyat sa bundok at pagtawid sa ilog ngunit hindi nila alintana ang mga panganib dito, bagkos, sa kabilang pagod at hirap ay nakangiti pa rin sila pagdating sa kanilang destinasyon. Naghihintay rito ang mga tuturuan.Magkakaiba ng kasarian, paniniwala, edad at katayuan sa buhay ngunit pinagbubuklod silang sama-samang hangarin, gustong-gusto nilang matutuo. Kailangang magsakripisyo ang mga ALS teachers upang matuto ang mga learners. Matibay ang determinasyon nilang ibahagi at ipamana ang kanilang nalalaman.Itinanim kasi nila sa kanilang mga puso at isipan nawalang pinipili o itinatangi at wlang imposible sa ALS, basta magsikap ka, magtatagumpay ka.
Naniniwala ang mga ALS Implementers nakakaibang pang-unawa, pagtitiyaga at dedikasyon ang puhunan upang lalong matugunan at makamit angp angunahing layunin ng ALS, ang LABANAN ANG KAMANGMANGAN.
Maraming pagkakataon ding masinuuna pa nilaang kapakanan ng kanilang mga tinuturuan kaysa sa sariling pamilya. Sa kanilang pag-uwi buhat sa kanilang pagtuturo ay hindi alama ng sitwasyon ng dadatnang mga mahal sa buhay.
Facilitator, Instructional Manager, Mobile Teacher o District ALS Coordinator (DALSC), anuman ang tawag sa kanila, hinding-hindi sila maaaring bumigay at panghinaan ng loob. Kailangang matatag sila sa lahat ng pagkakataon dahil marami ang umaasa at naniniwala ng mababago ang kasalukuyang pamumuhay dahil sa kanila, kaya karapat-dapat lang silang tawaging MGA BAYANING BUHAY!
KATUWANG SA PAGSUGPO NG KAMANGMANGAN
CYRIL S. TALUSAN
School ALS Coodinator
Science City of Munoz, Nueva Ecija
EDUCATION FOR ALL! Ito ang mithiin ng pamahalaan partikular ng Department of Education. Wala nang out-of-school children,youth and adults pagdating ng takdang panahon.
Dahil dito, hinikayat ang mga hindi nag-aaral ngunit marami pa rin ang hindi nakakapagpapatuloy ng pag-aaral dahil sa iba’t ibang dahilan.Ilan lamang ditto ay ang katayuan sa buhay o estado sa lipunan ng mag-anak, bisyo, barkada at iyong iba ay personal na dahilan.
Upang makamit ang layunin ng EFA, pinaigting ang mga programa at mga proyekto ng Alternative Learning System(ALS). Hindi man makapasok sa formal school/education ang mga mag-aaral ay mayroon pa ring ALS na sasalo sa mga out-of-school children,youth and adults. Ano man ang katayuan sa buhay mayaman man o mahirap, anuman ang edad at kasarian ay welcome na maging learner ng ALS.
Ang mga ALS Teachers gaya ng Mobile Teachers, Facilitators at Instructional Managers ang talagang nagsasakrepisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral ng ALS sa Division of Science City of Munoz.
Sa pakikipagtulungan ng mga School ALS Coordinators ay nagiging matagumpay ang implimentasyon ng ALS Programs and Projects sa dibisyon. Sa kabila ng maraming gawain sa loob ng silid-aralan ang kasama pa rin sila ng mga ALS Teachers sa iba’t ibang gawain ng ALS. Ang mainit na suporta ng mga Coordinators ay isang dahilan upang tumaas ang bilang ng mga pumapasa sa Accreditation and Equivalency (A & E Test) sa Science City of Munoz.
Tunay nga na ang mga School ALS Coordinators ay KATUWANG SA PAGSUGPO NG KAMANGMANGAN.